Mula sa ibat ibang volunteer groups at sector ang karamihan sa 300 bisita ni incoming Vice President Leni Robredo sa kaniyang inagurasyon bukas, June 30
Ipinabatid ito ni Georgina Hernandez, Spokesperson ni Robredo dahil nais aniya nilang matiyak na may kinatawan ang lahat ng sektor bukod pa sa mga pulitiko na dadalo sa naturang inagurasyon
Sinabi ni Hernandez na kabilang din sa mga bisita sa inagurasyon ang mga dating kasamahan ni Robredo sa Kamara, mga local officials na tumulong sa kampanya nito at maging ilang Senador
Ayon pa kay Hernandez isang interfaith prayer ang isasagawa samantalang pangungunahan naman ng mga ordinary citizen ang flag raising ceremony sa Quezon City Reception House
By: Judith Larino