Ibinabala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino ang muling pagkalat ng drug money ngayong eleksyon.
Ayon kay Aquino, posibleng gamitin ng mga tiwaling politiko ang mga nakukuha nitong pera mula sa iligal na droga para bumili ng boto.
Binigyang diin ni Aquino, hindi aniya gumagamit ng sariling pera ang mga politiko para bumili ng boto bagkus ay nagmumula ang mga ito sa korapsyon o iligal na droga.
Magugunitang sa barangay elections noong nakaraang taon, inilahad ni Aquino na aabot sa halos dalawang daang (200) mga barangay officials ang umano’y nauugnay sa bentahan ng iligal na droga sa bansa.
—-