Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na mayroon nang mga naiulat na mga kaso ng hinihinalang “vote-buying” sa ilang mga lalawigan.
Ayon kay PNP OIC PLTGEN. Vicente Danao Jr., ang mga ito ay sumasailalim na sa masusing pagsisiyasat upang masampahan ng kaukulang kaso ang mga posibleng sangkot dito.
kasabay nito, muling nagbabala sa publiko si Danao kaugnay sa umiiral na liquor ban hanggang mamayang alas 12 ng hating-gabi.
Samantala, nanawagan din ang PNP OIC sa publiko na maging mahinahon ngunit alerto sa lahat ng mga aktibidad ngayong araw ng eleksyon hanggang sa mga susunod na oras at araw ng bilangan at maging sa pagpapahayag ng resulta ng halalan.