Vote buying ang pangunahing paglabag sa election laws na naitala ng isang election watchdog.
Ayon sa NAMFREL o National Movement for Free Elections, naging talamak din nitong nakalipas na eleksyon ang paglalagay ng campaign banners at posters sa mga hindi otorisadong lugar.
Bukod pa ito sa anila’y pamamahagi ng campaign materials sa loob ng 30 metro mula sa voting center sa mismong araw ng halalan.
Nai-record rin ng NAMFREL ang talamak na pangangampanya ng mga kandidato sa bisperas ng eleksyon gayung dalawang araw bago ang May 10 elections ay tapos na ang official campaign.
Kasabay nito, binatikos ng NAMFREL ang COMELEC na anito’y tila nagkulang sa pagtukoy at pagpaparusa sa mga lumabag sa election laws.
By Judith Larino | Allan Francisco (Patrol 25)