Tahasang sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) permanent Committee on Public Affairs, na walang pinagkaiba sa magnanakaw ang nagbebenta ng boto.
Kaugnay nito, hinimok ng obispo ang mamamayan lalo na ang mga mahihirap na huwag magbebenta ng boto upang hindi maging bahagi ng corruption.
Isipin dapat aniya ng mga botante na ang kanilang mga boto ang siyang magpapabago ng sistema ng pamahalaan.
Hindi na umano dapat pang hayaan ng publiko at mga botante na manaig ang korupsiyon sa bansa.
Sinabi ni Bishop Pabillo na tiyak na babawiin ng kandidatong bumibili ng boto sa sandaling maluklok ito sa puwesto sa pamamagitan ng pagnanakaw.
By Mariboy Ysibido