Inaasahan na magiging talamak ang vote–buying ngayong nalalapit na ang eleksyon 2022 sa bansa.
Ito ay ayon kay Dr. Arwin Serrano, National Trustee at Director ng Command Center Operations ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV.
Sinabi ni Serrano, hindi na kayang dayain ng mga kandidato ang automated na sistema ng eleksyon.
Kaya’t binabalikan nila ang tradisyunal na pandaraya sa pamamagitan ng bilihan ng boto.
Aniya, lantaran na rin ang bilihan ng boto ngayong eleksyon, dahil bukod sa pagkain at pera ay maituturing din na vote-buying ang personal na pangako ng mga kandidato sa botante, kapalit ng boto.