Nasa P500,000 hanggang P1 million ang di umano’y presyo ng isang boto para sa House Speakership.
Ibinunyag ito ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na naghahangad na makabalik sa kanyang posisyon sa 18th Congress.
Ayon kay Alvarez, nakakalungkot man ay tunay na nangyayari sa Kamara ang bilihan ng boto.
Gayunman, tumanggi na si alvarez na magbigay pa ng detalye dahil nalalagay anya sa kompromiso ang posisyon ng speaker sa mga ganitong kontrobersya.
Umano’y vote buying sa House Speakership itinanggi
Itinanggi ni Congressman Lord Allan Velasco na namamahagi siya ng tig isang milyong piso sa bawat kongresista kapalit ng boto nila para sa House Speakership.
Kumbinsido rin si Velasco na hindi basta basta nabibili ang boto ng mga kongresista.
Ayon kay Velasco, ang pagkalat ng mga mapanirang kwento ay normal lamang na lumalabas tuwing May eleksyon.
Samantala, nangako si Velasco sa mga kapwa mambabatas na hindi niya kakaltasan ang nakalaang budget sa kanilang distrito sakaling siya ang mahalal na House Speaker.