Binili na ng Commission on Elections o COMELEC ang mga inupahan nitong vote counting machines mula sa Smartmatic.
Batay sa ulat, nagkasundo ang COMELEC at Smartmatic sa halagang 2.122 billion pesos para bilhin ang mahigit siyam na libong (9,000) counting machines.
Paliwanag ng COMELEC, sa ganitong paraan ay mas makakatipid ang ahensya kung magiging pag-aari na nila ito kaysa upahan tuwing eleksyon.
Magugunitang inirekomenda na noon ng COMELEC Advisory Council ang pagbili sa nasabing makina dahil sa pamilyar na ang mga botante sa paggamit nito.
—-