Ipinakita sa publiko ng Commission on Elections (COMELEC) ang vote counting machines o VCM’s na gagamitin sa May 9 elections.
Nagsagawa ng maikling demonstrasyon ang komisyon sa mga bagong features ng makina tulad ng Vote Verification Paper Audit Trail o VVPAT na nagsisilbing resibo ng botante upang matiyak na tugma ang ibinoto nila at ang binasa ng VCM.
Gayunman, ayon sa COMELEC, posibleng hindi nila i-activate ang VVPA dahil baka magamit ito sa vote buying at pagbebenta ng boto.
Sa halip, ang gagamitin umano ay ang feature ng makina kung saan makikita sa screen ng VCM ang kopya ng kanilang mga ibinoto.
Kabilang sa mga sumaksi sa demonstrasyon ang mga kinatawan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting, NAMFREL, Democracy Watch at Legal Network for Truthful Elections o LENTE.
By Len Aguirre