Inaasahang darating na sa bansa ang mahigit 20,000 vote counting machines mula Taiwan bago matapos ang taon.
Ayon sa kumpaniyang Smartmatic na siyang gumagawa ng mga bagong makinang gagamitin sa eleksyon, unang darating sa Disyembre ang 21,000 makina.
Habang sa Enero naman ng susunod na taon darating ang karagdagan pang 30,000 makina at ang nalalabi ay bago matapos ang Enero.
Suma total, aabot sa 93,977 vote counting machines o VCM ang uupahan ng Commission on Elections o COMELEC sa Smartmatic para sa darating na halalan sa Mayo ng susunod na taon.
Magugunitang personal na binisita ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista kasama ang ilang mga election watchdog ang pabrika ng mga vote counting machines sa Taiwan nitong weekend para inspeksyunin ang mga makinang gagamitin sa eleksyon.
By Jaymark Dagala