Umaasa ang Commission on Elections (COMELEC) na posibleng umabot sa 200,000 ang madaragdag sakaling palawigin ang voter’s registration sa bansa.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, lumagpas ng 1-M ang kanilang target na bagong registrants sa 4-M kung saan nasa 5-M na.
Maliban dito, sinabi ni Jimenez na pag-aaralan pa nila kung palalawigin pa ang pagpaparehistro sa mga piling lugar ay kinakailangan magsagawa ng system wide solution.
Samantala, nakatakda namang magpulong ang COMELEC sa susunod na linggo para pag-usapan ang panawagang extension.