Muling bubuksan ng Commission on Elections (COMELEC) para sa mga nais maging botante ang pagpaparehistro sa Hulyo 4 hanggang 23.
Ayon kay COMELEC acting spokesperson Rex Laudiangco, inaprubahan ang resumption of continuing voter’s registration kaugnay ng nakatakdang barangay elections sa Disyembre 25.
Aniya, bagamat maiksi lamang ang naturang voter registration ay alinsunod ito sa continuing voter’s registration act.
Samanatala, sa ngayon ay wala pa ring pinal na desisyon kung itutuloy o hindi ang barangay elections.