Muling binuksan ngayong araw na ito ang voter registration para sa May 2022 national at local elections.
Sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesman James Jimenez na maaari nang magparehistro muli ang mga kuwalipikadong indibidwal hanggang Setyembre ng taong 2021.
Kaugnay nito, patuloy ang paalala ni Jimenez sa mga magpaparehistro na sumunod sa umiiral na health protocols kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) tulad nang pagsusuot ng face masks at shields maging ang pag-obserba sa physical distancing.
Ipinabatid ni Jimenez na bukas ang mga tanggapan ng COMELEC, Lunes hanggang Huwebes, alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Para madaling mapunan ang application forms, inihayag ni Jimenez na maaaring gumamit ng online app na irehistro ang mga aplikante na kailangan pa ring pumunta ng personal sa kanilang local COMELEC officers, bitbit ang tatlong kopya ng printed online application forms.