Magbabalik na ang mga voter registrations ng Comelec sa Lunes, 17 ng Mayo sa NCR plus at iba pang mga probinsya.
Ayon sa Comelec, ito’y kasunod ng pagsasailalim ng rehiyon sa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions simula ngayong Sabado hanggang sa katapusan ng Mayo.
Kabilang sa ibabalik sa normal na operasyon ay ang satellite registration at voter’s registration sa lahat ng mga office of the election officers.
Kasunod nito, nanawagan ang Comelec sa publiko na direktang makipag-ugnayan sa kanilang mga local Comelec offices para sa mga schedule ng sattelite registrations sa kani-kanilang mga lugar.