Mahigpit na babantayan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagbubukas ng voter’s registration sa susunod na linggo.
Ayon kay COMELEC Spokesman, Atty. Rex Laudiangco, magsisimula ang pagpaparehistro sa December 12 hanggang January 31 ng susunod na taon, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Wala naman aniyang masama na magsabay-sabay sa pagpaparehistro dahil nais nilang maiwasang mahaluhan ito ng gulo.
Samantala, naglunsad na ang poll body ng pilot testing para sa kanilang ‘Register Anywhere Program’ o pagpaparehistro sa mga pampublikong lugar sa Metro Manila. —sa panulat ni Jenn Patrolla