Magiging limitado lamang ang voter’s registration sa susunod na buwan.
Ito ang sinabi ni spokesman Atty. Rex Laudiangco, ito ay dahil sa ilalim ng RA 8189, ipinagbabawal ang pagkakaroon ng pagpapatala sa loob ng 120 araw bago ang eleksyon.
Ani Laudiangco, sa magaganap na eleksyon ng barangay at sangguniang kabataan sa december 5 ay bawal nang mag pa rehistro sa pagsapit ng August 7.
Dagdag ni Laudiangco na nakabatay dito na mayroon lamang halos dalawang linggo para gawin ang mga kailangan pang mga proseso.
Kabilang dito ang paglalathala sa pangalan ng mga nagpaparehistro, pagtakda ng petsa sa pagdinig ng Election Registration Board, at ang pagsasailalim sa mga botante sa database verification at iba pa.
Samantala, nakatakda namang magsimula ang voter’s registration sa July 4 hanggang July 23.