Muling bubuksan ang voters’ registration para sa gagawing barangay at Sangguniang Kabataan elections na gagawin sa Oktubre ng susunod na taon.
Ayon kay Commision on Elections (COMELEC) Spokesman Director James Jimenez, magsisimula ang registration mula Nobyembre 7 at magtatapos naman sa Abril 29 ng taong 2017.
Kasunod nito, umaasa si Jimenez na madaragdagan ng 1 milyong botante ang bilang ng mga nagparehistro mula sa kasalukuyang 54 na milyong registered voters.
Paalala pa ni Jimenez, bukas ang tanggapan ng COMELEC para sa mga nagnanais magparehistro kahit araw ng Sabado kaya’t dapat samantalahin na rin ito maging ng mga hindi nakapagparehistro noong 2016 presidential elections.
By Jaymark Dagala