Planong buksan muli ng Commission on Elections o COMELEC ang voter’s registration sa susunod na buwan.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista nais nilang bigyan pa ng pagkakataon ang publiko na magamit ang kanilang karapatang bumoto.
Ito ay bunsod na rin ng pagpapaliban ng registration noong Abril para paghandaan ang halalan ng barangay at Sangguniang Kabataan na nakatakda sanang ganapin ngayong buwan ngunit matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 10952 ay naipagpaliban na sa Mayo ng susunod na taon.
Tinatayang mayroong nang mahigit 56 milyong rehistradong botante para sa barangay elections, samantalang nasa 20 milyon naman ang rehistrado na para sa SK elections.
—-