Ipagpapatuloy nang muli ng Commission on Elections o Comelec ang voter registration bukas, Oktubre 11.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, muling tatanggap ang poll body ng mga aplikasyon para makaboto sa 2022 national and local elections.
Maliban sa mga satellite registration sites, bukas ang mga tanggapan ng Comelec para sa mga nais magpatala mula Lunes hanggang Biyernes, bandang alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, gayundin sa Oktubre 30.
Kasabay nito, inihayag ni Comelec Chairman Sheriff Abas na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang maging malinis at tapat ang halalan sa susunod na taon.