Matumal ang dagsa ng mga Pilipinong nagpaparehistro para makaboto sa 2023 Elections.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesman John Rex Laudiangco, simula Disyembre 12 ay aabot lamang sa 151,000 Pilipino ang kanilang naitala na nakapagparehistro sa ilang opisina ng COMELEC.
611 naman ang nakapagparehistro sa Register Anywhere Project sa walong malls sa bansa, kabilang ang Robinsons Galleria, SM Southmall, Robinsons Manila, SM City Fairview, SM Mall of Asia, Robinsons Tacloban, SM City Legazpi, at Robinsons Naga.
Batay sa datos, papalo sa 1-M hanggang 1.5-M bagong botante ang target itala ng COMELEC na magtatagal hanggang Enero 31 sa susunod na taon.
Dahil dito, pinayuhan ng COMELEC ang mga Pilipino na magparehistro na sa kanilang munisipalidad at distrito, ganap na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.