Sisimulan na sa October 3, Lunes ang voters registration para sa Barangay at Sanggunian Kabataan elections na isasagawa na sa susunod na taon
Ayon sa COMELEC bukas ang kanilang mga tanggapan mula Lunes hanggang Sabado, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon para sa registration
Gayunman nilinaw ng COMELEC na sarado ang kanilang mga tanggapan sa November 1, December 24 at 25, December 31 at January 1, April 13 at 14, 2017
Ipinabatid pa ng COMELEC na magkakasa sila ng mandatory satellite registration ng isa o dalawang beses sa lahat ng barangay sa buong bansa
Tiwala ang COMELEC na madadagdagan ng tatlong milyon ang mga magpapa rehistrong botante sa barangay at dalawang milyong botante sa SK Elections dahil sa anim na buwang registration na tatagal hanggang April 29, 2017
By: Judith Larino