Sisimulan na ngayong araw ng COMELEC ang voters registration.
Ito’y bilang paghahanda para sa December 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco, maaaring magtungo ang mga kuwalipikadong magparehistro sa tanggapan ng COMELEC mula Lunes hanggang Sabado ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Magtatapos anya ang registration hanggang Enero 31 ng susunod na taon.
Bukas naman ang ilang piling malls sa Metro Manila, gaya ng Mall of Asia sa Pasay; SM Fairview sa Quezon City at SM Southmall sa Las Piñas para sa registration. —sa panulat ni Jenn Patrolla