Bubuksan na ng Commission on Elections ang voters registration para sa mga Filipinong nasa ibang bansa sa susunod na buwan.
Ayon kay Comelec Commissioner for Office of the Overseas Voting, Rowena Guanzon, magsisimula ang overseas voters registration sa December 16, 2019 at tatagal hanggang september 30, 2021.
Kasalukuyan aniyang sumasailalim sa training ng mga team leaders at IT personnel ng Comelec ang mga kawani ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hahawak ng registration.
Dagdag pa ni Guanzon, pinaplano na rin nila ang pagpapatupad ng vote anywhere policy kung saan maaaring nang makaboto ang mga overseas voters kahit saang Philippine Post Abroad kahit sa ibang partikular na bansa ito nakapagparehistro.
Batay sa kasalukuyang polisiya sa overseas voting, tanging ang mga botanteng sea-based lamang ang pinapayagang bumoto sa kahit saang Philippine Post na dadaungan.
Habang ang mga land-based OFW’s ay maaari lamang bumoto sa bansa kung saan sila nakabase at nakapagparehistro.