Handa ang Commission on Election (COMELEC) sa posibilidad na palawigin pa ng isang linggo ang pagpaparehistro ng mga botante.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez na malaki ang epekto sa trabaho ng COMELEC kung palalawigin ng mas mahaba ang voter registration.
Bukod dito, kinumpirma rin ng ahensya na nalagpasan na nila ang target na 59-M mga botanteng nagparehistro.
Sa kasalukuyan, nasa halos 60-M na ang nakakapagparehistro at kumpiyansa ang COMELEC na tataas pa ang naturang bilang na ito.