Hinimok ng Commission on Elections (COMELEC) ang eligible filipino voters na magparehistro bago ang deadline sa January 31, 2023.
Ito’y dahil posibleng hindi na palawigin ang voters registration para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, walang maisip na dahilan ang poll bodey para palawigin ang registration dahil ipinabatid na nila sa publiko ang mga impormasyon.
Gayundin ang paglunsad ng Register Anywhere Project (RAP) kung saan pinahihintulutan ang mga kwalipikadong botante na magparehistro sa mga booth sa ilang establisyimento gaya ng malls.
Pero, iginiit ni Garcia na posibleng ikonsidera ng ahensya ang extension sa ilang lugar na binaha dahil sa masamang panahon.
Sa datos ng COMELEC, nasa 1, 028 , 000 aplikante na ang natanggap nila mula noong December 12, 2022, kung saan target nila na magkaroon ng 1.5 hanggang 2 million na bagong registered voters hanggang sa deadline nito.