Muling bubuksan ang voter’s registration sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng bulkang Taal sa Batangas at Cavite.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, simula sa Lunes February 3 ay maari nang muling makapag parehistro ang mga botante kasunod ng pagbabalik normal ng sitwasyon duon.
Hinikayat ang mga residenteng hindi pa rehistrado o magpapalipat ng rehistro na magtungo sa Comelec offices sa mga bayan ng Alitagtag, Balete, Balayan, Calaca, Calatagan, Cuenca, Laurel, Lemery, San Nicholas, Sta. Teresita, Taal, Talisay, Lipa City, Tanauan City, Tuy, San Luis, Mabini, Lian at Malvar.
Gayundin sa mga botante sa Amadeo, Alfonso, Indang, Silang at Tagaytay City ng Cavite.
Habang sa February 10 naman itinakda ang muling pagbubukas ng voter’s registration sa Mataas na kahoy, Batangas.