Muling ilalarga ng Commission on Elections ang voter’s registration sa limang piling malls sa Metro Manila simula sa Disyembre.
Ito’y matapos aprubahan ng Comelec en Banc noong Oktubre a – 26 ang operational plan ng ‘register anywhere project’ o RAP.
Ayon sa poll body, isasagawa ang “pilot test” ng nasabing proyekto tuwing Sabado at Linggo simula Disyembre a – disi syete hanggang Enero a – bente nwebe ng susunod na taon.
Nilinaw naman ni Comelec Spokesman Atty. Rex Laudiangco na walang registration sa December 24, 25, 31, 2022 at January 1, 2023 habang tutukuyin pa sa mga susunod na araw ang mga mall na pagdarausan nito.
Sa “pilot period” ng programa, lahat ng kuwalipikadong residente ay maaaring magtungo sa napiling mall upang magsumite ng application form, requirements at magpa-biometrics para makapagparehistro bilang botante.
Nobyembre a – 4 nang unang magsagawa ng demonstration ng rap ang poll body sa Maynila sa pangunguna ni Chairman George Erwin Garcia at Commissioner Rey Bulay.