Mananatiling suspendido ang voters registration sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ito ang inihayag sa DWIZ ni COMELEC Spokesman Dir. James Jimenez, sa harap ng panawagang amiyendahan nito ang kanilang polisiya hinggil sa pagpaparehistro.
Ayon kay Jimenez, bagaman natutuwa silang marami ang nagnanais magparehistro sa mga MECQ areas tulad ng Metro Manila, hindi naman nila maaaring isakripisyo ang kaligtasan ng bawat isa dahil sa banta COVID-19.
Sa kabila nito, bukas ang tanggapan ng COMELEC sa mga lugar na nasa ilalim ng General Commnity Quarantine (GCQ), Modified GCQ at iyong mga walang quarantine classifications na nakataas.
“Bilang response ay inagahan nating ang registration hours. Ang registration natin ngayon mula alas-8 hanggang alas-7 na ng gabi, and then Saturdays, bukas na din. So itong buong August, lahat ng sabado bukas at lahat ng holiday bukas,” wika ni COMELEC Spokesman Dir. James Jimenez sa panayam ng DWIZ.