Itutuloy na ng Commission On Elections (COMELEC) ang voter registration sa National Capital Region o NCR sa ika-17 ng Mayo.
Ito’y matapos i-anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang quarantine restriction sa NCR plus mula sa Modified Enhanced Community Quarantine patungo sa General Community Quarantine with heightened restrictions.
Magsisimula ang pagpaparehistro ng mga botante sa lunes hanggang biyernes mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, ika-7 ng Mayo.
Ayon pa kay COMELEC ExEcutive Director Bartolome Sinocruz Jr., umabot na sa mahigit 58.9 na milyong registered voters ang naitala sa bansa.
Samantala, magugunitang pansamantalang sinuspinde ang voter’s registration sa NCR plus noong nakasailalim pa ito sa MECQ.— sa panulat ni Rashid Locsin