Walang isasagawang voters registration ang Commission on Elections (COMELEC) sa Nobyembre 30, Lunes at Disyembre 8, Martes.
Ito ay dahil pawang deklaradong holiday ang 2 nabanggit na petsa.
Batay sa abiso ng COMELEC, sarado ang lahat ng kanilang mga tanggapan at wala ring isasagawang transaksyon sa main at field offices, kabilang ang paglalabas ng voter’s certificate.
Una nang deklaradong regular holiday ang november 30 na bonifacio day at special non-working holiday ang Disyembre 8 na feast of Immaculate Conception.
Samantala, muli namang pinaalalahanan ng COMELEC ang publiko kaugnay ng schedule ng voters registration mula Lunes hanggang Huwebes tuwing alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.