Binuhay ng Korte Suprema ang voting powers nito sa bawat bakanteng posisyon sa Kataas-taasang Hukuman.
Natigil ang High Tribunal sa paggamit sa kapangyarihang ito nang maupo si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno bilang opisyal ng Korte Suprema at ex-officio chairperson ng Judicial and Bar Council.
Nakasaad sa nasabing voting powers na pagbobotohan ng mga mahistrado ng Korte Suprema kung sino ang irerekomenda nilang aplikante para sa bakanteng posisyon sa Kataas-taasang Hukuman.
Ang resulta ng botohan ay bibigyan ng kunsiderasyon ng JBC at karaniwan ding binibtbit ng Punong Mahistrado sa botohan ng kung sino ang dapat maisama sa shortlist.
(Ulat ni Bert Mozo)