Handa na ang lahat ng voting precints sa lungsod ng Quezon para sa national at local election ngayong araw.
Ayon sa Quezon City LGU, naihatid na ng Department of Public Order and Safety sa lahat ng polling precints ang mga election paraphernalia.
Nagtalaga na rin ang City Government ng Law and Order Cluster na nakatutok sa pagpapanatili ng mapayapang halalan.
Naglatag na ng emergency medical posts ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management sa ilang paaralan sa lungsod.
Kabilang na rito ang san Bartolome Elementary School, Old Balara Elementary School at Commonwealth Elementary School.