Nakikipag-ugnayan na si Vice President at Department of Education (DepEd) secretary Sara Duterte-Carpio sa mga kinatawan ng Federation of Associations of Private Schools & Administrators (FAPSA) at Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA).
Ayon kay Duterte-Carpio, marami ang naapektuhan ng pandemya kung saan, ang ilan sa mga pribadong paaralan ay napilitan nang magsara.
Iginiit ng kalahim na dapat maikonsidera ang mga hinanaing ng mga guro maging ang problema ng mga estudyante upang muling sumigla ang education sector.
Samantala, nanawagan naman ng tulong sa mga private school si Duterte-Carpio na patuloy na itaguyod ang educational continuity sa harap ng hamon ng pandemya.