Pinangunahan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio ang pamamahagi ng school supplies sa mga estudyante at relief goods sa makasaysayang isla ng Limasawa.
Ang pagbisita ng bise presidente sa Limasawa ay kasabay ng kanyang pagdalo bilang guest speaker ng anibersaryo ng city hood ng Maasin, Leyte.
Ipinamahagi ito sa 500 mga mag-aaral ng Grade 1 hanggang Grade 7 dala ang ‘Pagbabago’ slogan.
Ipinabatid ni VP Sara na ang mga Pagbabago Kit na kanyang ibinigay ay pagpapakita ng determinasyon at pagsisikap na makaahon sa kahirapan.
Hinikayat din niya ang mga bata na magsumikap ng pag-aaral upang abutin ang kanilang mga pangarap.