Muling bumanat sa gobyerno si Vice President Jejomar Binay sa perwisyong idinulot sa mga mananakay ng Asia Pacific Economic Cooperationmeeting sa Metro Manila.
Ayon kay Binay, nakatutuwa at nagkaroon ng APEC meeting sa Pilipinas ngunit nakalulungkot naman na tila mukhang hindi tama ang preparasyon dahil marami ang naapektuhan habang ang iba ay napaanak bunsod ng matinding traffic.
Ikinatuwiran ng pangalawang pangulo na bagaman dapat pairalin ang “Filipino hospitality” para sa mga bisitang foreign delegate, hindi naman tamang isantabi na lamang ang kapakanan ng mga mamamayan.
Magugunitang marami ang naglakad bunsod ng mga saradong kalsada malapit sa mga APEC venue partikular sa Pasay at Parañaque cities.
By: Drew Nacino