Tinawanan na lamang ni Vice President Jejomar Binay ang pambabash o ang mga kritisismo ng mga netizen matapos nitong depensahan ang pagtitipun-tipong isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo o INC.
Kung matatandaan, nagkomento ang mga netizen kaugnay ng anila’y mas bumagal na daloy ng trapiko kasunod ng protesta ng INC sa tapat ng DOJ sa Ermita Maynila gayundin sa EDSA.
Kaugnay nito, isa lamang si binay sa mga binanatan ng mga netizen dahil pinoprotektahan lamang umano ng Pangalawang Pangulo ang INC lalo na at papalapit na ang 2016 elections.
Pero sinagot ito ng Bise Presidente na nagtungo kahapon sa Paombong Bulacan, aniya, kaniya-kaniyang grupo lamang yan sabay sabing kahit na ang Korte Suprema nga ay naniniwalang posibleng makapagdulot ng abala ang kalayaan sa pagpapahayag.
Una na ring ipinaliwanag ni Binay na isa ring abogado na ang religious freedom at freedom of speech ay kalayaang sibil alinsunod aniya sa konstitusyon.
By Allan Francisco