Hindi absuwelto si Vice President Jejomar Binay sa mga paninisi, hinggil sa isyu ng mga hindi naibigay na tulong para sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Abigail Valte, si Binay ang itinalagang pinuno ng housing sector at ito ang dapat sumagot sa usapin hinggil sa hindi naibigay na permanent housing para sa mga survivor.
Una nang isinisi ni Binay sa administrasyong Aquino ang kabiguang mailipat sa permanent housing ang mga survivor.
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23)