Hindi umano nababahala si Vice President Jejomar Binay kung tatakbo man sa 2016 Presidential Elections si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, lalo’t kwalipikado aniya ito at may malinaw na layunin para sa bansa.
Kung matatandaan, dumagsa at nagtipun-tipon ang sinasabing 50,000 tao sa Rizal Park noong Sabado upang kumbinsihin si Duterte na magbago ng desisyon para tumakbo sa pampanguluhang halalan sa susunod na taon.
Tumugon naman dito ang alkalde at nanghingi ng kaunting panahon upang makapag-soul searching sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya.
Nangako rin siya na hindi niya raw pababayaan ang mga sumusuporta sa kaniya.
Samantala, batay sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia at Social Weather Stations survey, pang-apat si Duterte sa ranking ng mga posibleng maging susunod na Pangulo ng bansa.
By Allan Francisco