Hindi sasabak sa 2016 presidential elections si Vice President Jejomar Binay ng walang ka-tandem.
Gayunman, ikinagulat ni Binay ang naging pahayag ni UNA Interim President Congressman Toby Tiangco na bago mag katapusan ng buwang ito o bukas ay iaanunsyo na nila ang Vice Presidentiable ni Binay.
Ayon kay Binay, walang eksaktong petsa kung kailan niya iaanunsyo kung sino ang kaniyang ka-tandem dahil hindi naman ito paligsahan sa kung sino ang nauuna at nahuhuling magdeklara.
Una nang lumutang na bukas nakatakdang ianunsyo ng Liberal Party ang magiging vice presidentiable ni dating DILG Secretary Mar Roxas.
By Judith Larino | Allan Francisco