Ipinahiwatig ng Malacañang na wala kay Vice President Jejomar Binay ang mga qualification para i-endorso ng Pangulong Noynoy Aquino sa 2016 Presidential Elections.
Sagot ito ng palasyo sa pahayag ni Binay na umaasa pa rin siyang i-eendorso ni PNoy.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, malinaw sa pahayag ni PNoy na pipiliin niya ay magpapatuloy sa nasimulang reporma sa ilalim ng tuwid na daan.
Sinabi ni Lacierda na mas mabuting hintayin na lamang kung sino ang the anointed one na i-aanunsyo naman aniya ng Pangulo matapos ang SONA o State of the Nation Address nito.
By Judith Larino | Aileen Taliping (Patrol 23)