Ipagpapatuloy pa rin ni Vice President Jejomar Binay ang pag-iikot sa buong bansa.
Ito ay matapos maungusan ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na nasa ikalawang puwesto at nangunguna naman si Senador Grace Poe.
Sinabi ni Atty. Rico Quicho, Spokesman ni Binay na ang 2016 ay labanan ng boto ng bawat Pilipino kaya’t hindi ititigil ng Vice President ang pangangampanya.
By Judith Larino | Allan Francisco