Tiniyak ng kampo ni Vice President Jejomar Binay na kanilang iaapela ang naging desisyon ng Ombudsman na kasuhan siya at ang 22 iba pang opisyal ng Makati, dahil sa umano’y overpriced Makati Carpark Building.
Ayon kay Binay, pulitika lamang ang naging pahayag ng Ombudsman, lalo na at batid naman nitong mayroon siyang immunity from suit.
Iginiit ni Binay na maliban sa ministerial lamang, o tila formality lang ang pagpirma ng mga alkalde sa mga proyekto sa kanilang lungsod, bigo din naman ang Ombudsman na tukuyin kung nakinabang siya sa proyekto.
By Katrina Valle | Allan Francisco