Aminado si Vice President Jejomar Binay na isang pagkakamali ang maaga niyang pagdedeklara na tatakbo siya sa 2016 presidential elections.
Sa gitna ito ng sunod-sunod na ibinabato sa kanya na isyu ng korupsyon.
Ipinaliwanag ni Binay, na maaga siyang nagsabi ng planong pagtakbo dahil nais niyang maipaalam na handa siya sa pambansang halalan batay na rin sa kanyang mga nakamit noong alkalde pa siya.
Binigyang diin ni Binay na hindi lang niya inasahan na ang “daang matuwid” ng administrasyon ay hindi pala nangangahulugan ng malinis na kampanya.
By Katrina Valle | Allan Francisco