Umapela si outgoing Vice President Jejomar Binay sa publiko na irespeto ang resulta ng eleksyon.
Ito ang inihayag ni Binay makaraang tanggapin ang kanyang pagkatalo sa presidential election.
Ayon sa Pangalawang Pangulo, dapat ng umusad ang lahat patungo sa pagkakaisa para sa bayan.
Sa oras anya na opisyal ng magtapos ang bilangan at pinal na ang resulta ay dapat itong igalang ng mga botante maging ang nanalo sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo, senador at iba pang kandidato.
Pang-apat si Binay sa partial and unofficial tally ng Commission on Elections at PPCRV.
By Drew Nacino