Pinatutukan ng kampo ni Vice President Jejomar Binay kay incoming Department of Interior and Local Government Sec. Mel Senen Sarmiento ang peace and order situation ng bansa.
Ayon kay United Nationalist Alliance Spokesman Mon Ilagan, ito ay dahil mas mataas ang naitalang krimen sa unang anim na buwan nang 2015 kumpara noong nakaraang taon batay na din sa tala ng Pambansang Pulisya.
Una nang binatikos ni Joey Salgado, pinuno ng media affairs ng bise presidente na hindi bumuti ang kalagayan ng peace and order sa bansa dahil hindi ito pinagtuunan ng pansin ni dating DILG Sec. Mar Roxas.
By: Katrina Valle | Allan Francisco