Nalaglag sa ikatlong puwesto si Vice President Jejomar Binay sa ika-limang linggo ng #BosesNiJuan Survey 2016.
Patuloy namang matatag ang kapit ni Senador Grace Poe sa unang puwesto na nakakuha ng 25 porsyento ng mga boto.
Ito naman ang pangalawang linggo na nakuha ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang ikalawang puwesto na nakakuha ng 21 porsyento ng mga boto kontra sa 19 na porsyento ni Binay.
Nasa malayong pang-apat na puwesto si Senador Miriam Santiago na may 8 porsyento ng boto at DILG Secretary Mar Roxas na may 6 na porsyentong boto.
Samantala, malayong number one pa rin sa Vice Presidentiables si Senador Grace Poe na may 39 na porsyentong boto.
Samantala, gitgitan naman ang labanan nina Duterte at Senador Francis Escudero na nasa ikalawa at ikatlong puwesto.
Nakakuha si Duterte ng 10.2 percent ng boto at 9.91 percent naman si Escudero.
Nasa malayong ikatlong puwesto naman bilang Vice President si Roxas sa botong 6.52 percent.
By Len Aguirre
https://www.dwiz882am.com/index.php/boses-ni-juan-2016-survey-result/