Muli na naman bumanat kahapon sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III si Vice President Jejomar Binay hindi pa man nasasagot ng Malacañang ang naunang banat nito.
Bagama’t nagpapasalamat si Vice President Jejomar Binay sa pagiging miyembro ng gabinete ni Pangulong Aquino, nagreklamo naman ito hinggil sa pondo ng housing agencies na na-divert diumano sa Department of Interior and Local Government (DILG) na pinamumunuan ni Secretary Mar Roxas.
Ipinagtakaka rin ni Binay kung bakit hindi pa naihahabla si Budget Secretary Florencio ‘Butch’ Abad gayong ang kalihim naman umano ang utak ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) na idineklarang ilegal ng Korte Suprema.
Sagot ni Abad
Tinawag na ipokrito ni Budget Secretary Florencio ‘Butch’ Abad si Vice President Jejomar Binay sa pagdikdik sa Disbursement Acceleration Program (DAP) gayong ang mga ahensyang pinamunuan mismo ni Binay ay tumanggap ng P11.4 bilyong DAP fund.
Nauna ng itinanggi ni Binay na nakatanggap siya ng DAP sa pagsasabing nasa ilalim ng Office of the President ang NHA.
Hinamon din ni Abad ang Bise Presidente na basahin ang ruling ng Korte Suprema patungkol sa DAP bago kuwestyunin kung bakit hindi siya nakakasuhan.
By Mariboy Ysibido