Nanguna si Vice President Jejomar Binay sa pinakabagong presidential survey ng Business World-Social Weather Stations.
Base sa resulta ng January 8 to 10 survey sa 1,200 rehistradong botante, nakakuha ng 31 percent si Binay kumpara sa 26 percent sa SWS survey ng mga presidential candidate noong Disyembre.
Bumaba naman sa 24 percent ang puntos ni Senador Grace Poe mula sa dating 26 percent noong Disyembre; Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas, 21 percent mula sa dating 22 percent habang nananatiling 20 percent ang rating ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Samantala, nakakuha naman ng 3 percent si Senador Miriam Defensor-Santiago mula sa dating 2 percent noong Disyembre.
Isinagawa ang survey sa kalagitnaan ng word war nina Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista at Commissioner Rowena Guanzon hinggil sa disqualification case ni Poe sa Supreme Court.
For VP
Halos lumapit na ang ratings nina Senators Chiz Escudero at Bongbong Marcos sa pinakabagong Business World-SWS survey ng mga vice presidential survey candidate sa 2016 elections.
Base sa January 8 to 10 survey sa 1,200 rehistradong botante, umani ng 28 percent na grado si Escudero habang nakakuha ng 25 percent si Marcos.
Kumpara ito sa 30 percent na nakuha ni Escudero sa December survey habang umangat ng 6 percent ang rating ni Marcos mula sa dating 19 percent.
Lumagpak naman ang pambato ng administrasyon na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo sa 17 percent mula sa dating 19 percent at Senador Alan Peter Cayetano, 14 percent.
By Drew Nacino