Buo ang suporta ni Vice President Jejomar Binay sa naging pahayag ng anak niyang si Congresswoman Abby Binay matapos nitong sabihin na hindi matatapos ang dinastiya ng kanilang pamilya sa Makati.
Ayon kay VP Binay, wala siyang nakikitang masama sa sistema ng dinastiya.
Hindi rin naman aniya matitiyak ang pagkakaroon ng dinastiya ng isang pamilya dahil wala naman ding kasiguraduhan kung mananalo ang lahat ng miyembro ng pamilyang tumatakbo sa eleksyon.
At sa huli, naniniwala ang Pangalawang Pangulo na ang mga tao rin naman ang magdedesisyon kung nais pa ng mga itong magpatuloy sa puwesto ang isang pamilya.
Samantala, hayagang nagbigay rin ng pahayag si VP Binay kontra sa paraan ng pagbigay ng dismissal order ng Office of the Ombudsman sa anak nitong si dismissed Makati Mayor Junjun Binay kaugnay ng umano’y maanomalyang paggastos sa lungsod.
Ayon sa Bise Presidente, over-acting ang ginawa ng Ombudsman at nasaktan siya sa aksyong ito sa kanyang anak.
By Allan Francisco