Nangunguna pa rin si Senador Grace Poe sa resulta ng pinakabagong presidential survey ng Pulse Asia.
Nakakuha ng 26% si Poe sa nasabing Pulse Asia survey na isinagawa mula September 8 hanggang 14 at may 2, 400 respondents.
Ayon sa Pulse Asia, nasa ikalawang puwesto si dating DILG Secretary Mar Roxas na nakakuha ng 20%, ikatlo si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 19% at ika-apat si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakakuha ng 16% .
VP Binay kuntento sa resulta
Kuntento ang kampo ni Vice President Jejomar Binay sa resulta ng pinakabagong presidential survey ng Pulse Asia kung saan pumangatlo lamang ang Bise Presidente.
Sinabi ni Atty. Rico Quicho, Political Spokesman ni Binay na nagpapakita lamang ang Pulse Asia survey na stable ang mga sumusuporta sa kanila.
Sa kabila ito aniya nang kawalan ng TV commercial ni Binay nang gawin ang survey.
By Judith Larino | Allan Francisco